1 Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos. Siya ay sumasa Diyos nang pasimula pa. Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha. Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao. Ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at hindi ito naunawaan ng kadiliman. May isang lalaking isinugong mula sa Diyos. Ang kaniyang pangalan ay Juan. Siya ay naparitong isang saksi na magpatotoo patungkol sa ilaw upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya. Hindi siya ang ilaw ngunit siya ay sinugo upang magpatotoo patu Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya at hindi siya nakilala ng sangkatauhan. Siya ay pumunta sa kaniyang sariling mga tao ngunit hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga tao. Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniy Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan. Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking sinasabi na ang paparitong kasunod ko ay mas higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin. Mula sa kaniyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat ng abut-abot na biyaya. Ito ay sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo. Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.
Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem. Isinugo sa kaniya ang mga saserdote at mga Levita upang tanungin siya: Sino ka? Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat: Hindi ak Tinanong nila siya: Sino ka ba talaga? Ikaw ba si Elias? Sinabi niya: Hindi ako. Ikaw ba ang propeta? Siya ay sumagot: Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba? Sabihin mo sa amin, nang sa gayon ay maibigay namin ang sagot sa nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo patungkol sa iyong sarili? Sinabi niya: Ako ang tinig na sumisigaw sa ilang. Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon tulad ng sinabi ni Isaias na propeta. Ngayon, silang mga sinugo ay nagmula sa mga Fariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya: Bakit ka nagbabawtismo yamang hindi ikaw ang Mesiyas, ni si Elias, ni ang propeta? Sumagot si Juan sa kanila na nagsasabi: Ako ay nagbabawtismo ng tubig, ngunit sa inyong kalagitnaan ay may isang nakatayo na hindi ninyo kilala. Siya ang paparitong kasunod ko na higit kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniya Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan ni Juan.
Kinabukasan nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya: Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan. Siya ang aking tinutukoy nang sabihin kong may paparitong kasunod ko, na isang lalaking higit kaysa sa ak Nagpatotoo si Juan na nagsasabi: Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit tulad ng isang kalapati. Ito ay nanahan sa kaniya. Hindi ko siya kilala ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa pamamagitan ng tubig ay siya ring nagsabi sa akin:Kung kanino mo makikitang bababa at mananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo ng Banal na Espiritu. Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.
Kinabukasan, si Juan ay muling nakatayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad. Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya: Narito, ang Kordero ng Diyos. Narinig ng dalawang alagad nang siya ay magsalita. Sumunod sila kay Jesus. Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod. Sinabi niya sa kanila: Ano ang inyong hinahanap? Sinabi nila sa kaniya: Rabbi, na kung liliwanagin ay Guro, saan ka nakatira? Sinabi niya sa kanila: Halikayo at inyong tingnan. Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-iikasampu na ang oras. Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres. Siya ay kapatid ni Simon Pedro. Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya: Natagpuan namin ang Mesiyas. Ang kahulugan ng Mesiyas ay Cristo.[] Tiningnan siya ni Jesus at sinabi: Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas. Kung isasalin ang Cefas ay bato.
Kinabukasan ay ninais ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nasumpungan niya si Felipe at sinabi sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Si Felipe ay taga-Betsaida na lungsod nina Andres at Pedro. Nasumpungan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya: Nasumpungan namin siya, na patungkol sa kaniya ang isinulat ni Moises sa kautusan at isinulat din ng mga propeta. Siya ay si Jesus, ang anak ni Jose na taga-Nazaret. At sinabi ni Natanael sa kaniya: May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe: Halika at tingnan mo. Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael: Narito, ang isang totoong taga-Israel, sa kaniya ay walang pandaraya. Sinabi sa kaniya ni Natanael: Papaano mo ako nakilala? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos. Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya: Guro, ikaw ang Anak ng Diyos. Ikaw ang Hari ng Israel. Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Sumasampalataya ka ba dahil sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makikita mo ang mga bagay na mas dakila kaysa sa mga ito. At sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Mula ngayon ay makikita ninyong bukas ang langit. Makikita ninyo ang mga anghel ng Diyos ay pumapaitaas at bumababa sa Anak ng Tao.
2 Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Nang magkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, ano ang kinalaman ng bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ng kaniyang ina sa mga tagapaglingkod. Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo. Mayroon doong anim na tapayang bato na nakalagay alinsunod sa pagdadalisay ng mga Judio. Ang bawat isa ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang sa isang daang li Sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod: Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. Kanilang pinuno ang mga ito hanggang sa labi.
Sinabi niya sa kanila: Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan. Kanilang dinala ito. Natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling ngunit alam ng mga tagapaglingkod na sumalok ng tubig. Dahil dito, tinawag ng namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. Sinabi Ang pasimulang ito ng mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea at nahayag ang kaniyang kaluwalhatian. Ang kaniyang mga alagad ay sumampalataya sa kaniya.
Pagkatapos nito ay bumaba siya patungong Capernaum. Kasama niya ang kaniyang ina, mga kapatid na lalaki at ang kaniyang mga alagad. Nanatili sila roon ng ilang araw. Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo. Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid ay t Naala-ala ng kaniyang mga alagad na nasusulat: Pinagharian ako ng kasigasigan sa iyong bahay. Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito? Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Gibain ninyo ang banal na dakong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw. Sinabi nga ng mga Judio: Apatnapu't-anim na taon ang pagtatayo ng banal na dakong ito at itatayo mo sa loob ng tatlong araw? Ngunit ang banal na dako na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan. Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng ka Si Jesus ay nasa Jerusalem nang Araw ng Paglagpas. Sa panahon ng kapistahan, marami ang sumampalataya sa kaniyang pangalan nang kanilang makita ang mga tanda na ginawa niya. Gayunman hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang kaniyang sarili sa kanila dahil nakikilala niya ang lahat. Hindi niya kailangang magpatotoo ang sinuman patungkol sa tao sapagkat nalalaman niya kung ano ang nasa kalooban ng tao.
3 May isang lalaki sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno ng mga Judio. Pumunta siya kay Jesus nang gabi at sinasabi niya: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na mula sa Diyos. Ito ay sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na i Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya maaaring makita ang paghahari ng Diyos. Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipanganganak ang taong matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak? Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag k Tumugon si Nicodemo at sinabi sa kaniya: Papaano mangyayari ang mga bagay na ito? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ikaw ay guro sa Israel at hindi mo alam ang mga bagay na ito? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Ang aming nalalaman ay sinasabi namin. Pinatotohanan namin ang mga nakita namin. Hindi ninyo tinanggap ang am Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.
Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea. Siya ay nanatili roong kasama nila at nagbawtismo. Si Juan ay nagbabawtismo rin sa Enon na malapit sa Salim sapagkat maraming tubig doon. Sila ay pumaroon at n Tumugon si Juan at nagsabi: Hindi makakatanggap ng anuman ang isang tao malibang ito ay ipagkaloob sa kaniya mula sa langit. Kayo ang makapagpapatotoo na aking sinabi: Hindi ako ang Mesiyas. Ako ay sinugong una sa kaniya. Siya na lalaking ikakasal ang siy Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.
4 Nalaman ng Panginoon na narinig ng mga Fariseo ang ginagawa ni Jesus. Narinig nila na siya ay nagkaroon ng higit na maraming alagad kaysa kay Juan at binawtismuhan niya sila. Bagamat, hindi si Jesus ang siyang nagbabawtismo, kundi ang kaniyang mga alagad. Kinakailangang dumaan siya sa Samaria. Pumunta nga siya sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa ta Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom. Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain. Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria. Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay. Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kan Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa ka Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa. Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi. Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta. Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga J Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay. Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya? Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas? Lumabas nga sila sa lungsod at pumun Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka. Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam. Sinabi ng mga alagad sa isa't isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain? Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin attingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin. Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak. Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani. Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran.
Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at pumunta sa Galilea. Ito ay sapagkat si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan. Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Ga Pumunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit. Narinig ng opisyal ng hari na si Jesus ay dumat Sinabi nga sa kaniya ni Jesus: Malibang makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, kailanman ay hindi kayo sasampalataya. Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari: Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking maliit na anak.
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Yumaon ka, buhay ang anak mong lalaki. Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis. Nang siya ay lumulusong na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin. Kanilang iniulat na buhay ang kaniyang anak. Tinanong niya sila kung anong oras bumuti ang kaniyang an Nalaman nga ng ama na sa ganoong oras sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong anak na lalaki ay buhay. Siya ay sumampalataya pati na ang kaniyang buong sambahayan. Ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea.
5 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay may kapistahan ang mga Judio. Si Jesus ay umahon sa Jerusalem. May malaking dakong paliguan sa Jerusalem na nasa tabi ng Tarangkahan ng mga Tupa. Ito ay tinatawag na Betesda sa wikang Hebreo. Ito ay mayroong limang portik Sumagot sa kaniya ang maysakit: Ginoo, wala akong kasama na maglagay sa akin sa dakong paliguan pagkahalo sa tubig. Sa pagpunta ko roon ay may nauuna nang lumusong sa akin. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. Kaagad na gumaling ang lalaki at binuhat niya ang kaniyang higaan at lumakad. Noon ay araw ng Sabat. Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya na pinagaling: Ngayon ay araw ng Sabat, labag sa kautusan na magbuhat ka ng higaan. Sumagot siya sa kanila: Ang nagpagaling sa akin ay siya ring nagsabi sa akin: Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. Tinanong nga nila siya: Sino ang lalaking nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka? Hindi nakilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay nakaalis na at maraming mga tao sa pook na iyon. Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa templo. Sinabi sa kaniya: Narito, ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala upang hindi mangyari sa iyo ang malubhang bagay. Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya.
Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus. Humanap sila ng pagkakataon upang patayin siya sapagkat ginawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabat. Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay gumagawa. Dahil dito ay lal Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa ng Ama sapagkat anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. Katotohanan, katotohanang si Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig. Sila na gumawa ng mabuti ay lalabas mula sa libingan patungo sa buhay. Ang mga gumawa ng masama ay lalabas mula sa mga libingan patungo sa kahatulan. Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.
Kung ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo. Iba ang nagpapatotoo patungkol sa akin at alam ko na ang patotoong pinatotohanan niya patungkol sa akin ay totoo. May sinugo kayong mga Judio kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan. Hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao datapuwat sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan. Kayo ay pumayag na m Ako ay may patotoong mas higit kaysa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawain na ipinagkaloob sa akin ng Ama upang tapusin ay nagpapatotoo patungkol sa akin. Ang mga gawaing ginagawa ko ay nagpapatotoong ang Ama ang nagsugo sa akin. Ang Ama na nagsugo sa akin a Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. Subalit kilala ko kayo, na sa inyong sarili ay wala kayong pag-ibig sa Diyos. Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangala Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang siyang magpaparatang sa inyo. Yamang sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya rin kayo sa akin. Ito ay sapagkat siya ay sumulat patungkol sa akin. Yamang hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?
6 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng Tiberias. Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga tanda na kaniyang ginawa sa mga maysakit. Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na k Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya. Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang kaniy Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila. Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya: Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao? Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi nama Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga ku Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. Nalaman ni Jesus na sila ay papalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito siya ay umalis at pumuntang muli na nag-iisa sa bundok.
Nang magtakipsilim na, lumusong ang kaniyang mga alagad sa lawa. Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng lawa patungong Capernaum. Dumilim na at hindi pa nila kasama si Jesus. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang lawa ay naging maalon. Nang sila ay Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa kabilang ibayo ng lawa na walang ibang bangka roon. Ang naroroon lang ay ang sinakyan ng mga alagad ni Jesus. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka at sila lang ang umalis. May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung saan sila ay kumain ng tinapay pagkatapos pasalamatan ng Panginoon. Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum at hinahanap nila si Jesus.
Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng lawa. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro, kailan ka pumunta rito? Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hinanap ninyo ako hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay na sebada at nasiyahan. Huwag kayong gumawa para sa pagkaing n Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing mula sa Diyos? Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama. Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ngayon ang tandang gagawin mo upang makita namin at sumampalataya kami sa iyo? Ano ang gagawin mo? Ang mga ninuno namin ay kumain ng mana sa ilang. Katulad ng nasusulat: Binigyan niya sila ng tinapay na kakainin na nagmula s Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi kayo binigyan ni Moises ng tinapay mula sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. Ito ay sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na Kanila ngang sinabi sa kaniya: Panginoon, bigyan mo kami ng tinapay na ito. Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman. Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. Sinabi ko sa inyo, na nakita rin ninyo ako at hindi kayo sumampalataya. Ang laha Ang mga Judio nga ay nagbulung-bulungan patungkol sa kaniya dahil sinabi niya: Ako ang tinapay na bumabang mula sa langit. Sinabi nila: Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose at kilala natin ang kaniyang ama at ina? Papaano nga niya masasabing: Ako ay b Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila: Huwag kayong magbulong-bulungan. Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw. Nasusulat sa aklat ng mga propeta: At silang lahat ay tuturuan Nagtalo-talo nga ang mga Judio. Kanilang sinabi: Papaano niya maibibigay sa atin ang kaniyang laman upang kainin? Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay makakain ng laman ng Anak ng tao at makainom ng kaniyang dugo ay wala kayong buhay. Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw. Ito ay sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin. Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin. Ako naman ay sumasa kaniya. Ang Amang buhay ang nagsugo sa akin at ako ay nabubuhay dahil sa Ama. Gayundin ang kumakain sa akin. Siya ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Hindi ito tulad nang ang inyong mga ninuno ay kumain ng mana at ngayon ay mga patay na. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.
Marami nga sa kaniyang mga alagad na nang marinig ito ay nagsabi: Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang makakaunawa nito? Nalalaman ni Jesus sa sarili niya na nagbubulong-bulungan ang kaniyang mga alagad patungkol dito. Sinabi niya sa kanila: Nakakatisod ba ang sinabi ko sa inyo? Gaano pa kaya kung makita ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kinaroroonan? Ang Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na sumama sa kaniya. Kaya nga, sinabi ni Jesus sa labindalawa: Nais din ba ninyong umalis? Sumagot sa kaniya si Simon Pedro: Panginoon, kanino kami pupunta? Nasa iyo ang mga salita ng walang hanggang buhay. Kami ay sumampalataya at nalaman namin na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng buhay na Diyos. Sumagot sa kanila si Jesus: Hindi ba labindalawa kayong pinili ko at isa sa inyo ay diyablo? Ang tinutukoy niya ay si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon sapagkat siya ang magkakanulo sa kaniya. Siya ay isa sa labindalawa.
7 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay naglibot sa Galilea. Ayaw niyang maglibot sa Judea dahil ang mga Judio ay naghahanap ng pagkakataon upang siya ay patayin. Ang Kapistahan ng mga kubol ng mga Judio ay malapit na. Kaya nga, sinabi sa kaniya ng mg Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking oras ay hindi pa dumarating ngunit ang inyong oras ay laging handa. Hindi magagawa ng sangkatuhan na kapootan kayo ngunit ito ay napopoot sa akin dahil nagpatotoo ako patungkol dito. Nagpatotoo ako na ang mga Pagkaahon ng mga kapatid niyang lalaki ay umahon din siya sa kapistahan. Umahon siya ng hindi hayag kundi palihim. Hinanap nga siya ng mga Judio at nagtanong: Nasaan siya? Nagkaroon ng maraming bulung-bulungan sa mga tao patungkol sa kaniya. Sabi ng iba, siya ay mabuti. Sabi ng iba: Hindi. Kaniyang inililigaw ang mga tao. Magkagayon man, walang nagsalita ng hayag patungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
Nang nasa kalagitnaan na ang kapistahan ay umahon si Jesus sa templo at nagturo. Namangha ang mga Judio na nagsasabi: Papaanong nakakabasa ang taong ito gayong hindi naman siya nag-aral? Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Ang aking turo ay hindi sa akin kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Kung ang sinuman ay nagnanais na gumawa ng kalooban ng Diyos ay malalaman niya ang patungkol sa turo. Malalaman niya kung ito ay mula sa Diyos o ako Sumagot ang mga tao at sinabi: Ikaw ay mayroong demonyo. Sino ang naghahanap upang pumatay sa iyo? Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Isang gawa ang aking ginawa at kayong lahat ay namangha. Kaya nga, binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli, bagama't hindi ito mula kay Moises kundi sa mga ninuno. At sa Araw ng Sabat ay tinutuli ninyo ang isang lalaki.Sa araw ng Sabat ay nagtutuli kayo ng isang lalaki upang huwag lumabag sa kautusan ni Moises. Ano at nagagalit kayo sa akin dahil pinagaling ko ang isang lalaki sa araw ng Sabat? Huwag kayong humatol ayon sa nakikita. Humatol kayo ng matuwid na paghatol.
Sinabi nga ng ilan sa mga taga-Jerusalem: Hindi ba siya ang kanilang hinahanap upang patayin? Narito, siya ay hayagang nagsasalita at wala silang sinasabi sa kaniya. Totoo kayang kinikilala ng mga namumuno na ito nga ang Mesiyas? Alam natin kung saan nagm Sa malakas na tinig nga ay nagtuturo si Jesus sa templo. Kaniyang sinabi: Kilala ninyo ako at alam ninyo ang aking pinagmulan. Hindi ako narito nang sa sarili ko lamang. Subalit siya na nagsugo sa akin ay totoo. Hindi ninyo siya kilala. Kilala ko siya dah Humahanap nga sila ng pagkakataon upang hulihin siya ngunit walang humuli sa kaniya dahil hindi pa dumarating ang kaniyang oras. Marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Kanilang sinabi: Kapag dumating ang Mesiyas, gagawa ba siya ng mas maraming tan Nang nag-usap-usap ang mga tao patungkol sa kaniya, narinig ito ng mga Fariseo. Ang mga Fariseo at ang mga pinunong-saserdote ay nagsugo ng mga tanod ng templo upang hulihin siya. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: Makakasama pa ninyo ako ng maikling panahon. Pagkatapos, ako ay pupunta sa nagsugo sa akin. Hahanapin ninyo ako at hindi ninyo ako matatagpuan. Hindi kayo makakapunta sa kinaroroonan ko. Ang mga Judio nga ay nag-usap-usap: Saan ba siya papunta na hindi natin siya matatagpuan? Siya ba ay pupunta sa mga Judio na kumalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga Griyego? Ano ang salitang ito na sinabi niyang, hahanapin ninyo ako at hindi ninyo ako Sa huli at dakilang araw ng kapistahan tumayo si Jesus. Sa malakas na tinig siya ay nagsabi: Kung ang sinuman ay nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. Mangyayari sa sumasampalataya sa akin ang gaya ng sinabi ng kasulatan: Magkakaroon siya ng i Marami nga sa mga tao, nang marinig ang pananalitang ito ay nagsabi: Totoong ito na nga ang propeta.
Ang iba ay nagsabi: Ito ang Mesiyas. Ang iba naman ay nagsabi: Kung gayon, manggagaling ba ang Mesiyas sa Galilea? Hindi ba sinabi ng kasulatan: Ang Mesiyas ay magmumula sa lahi ni David? Hindi ba siya ay magmumula sa Bethlehem, ang bayang kinaroonan ni David? Nagkaroon nga ng pagkabaha-bahagi ang mga tao dahil kay Jesus. Ang iba ay nagnais na hulihin siya ngunit walang humuli sa kaniya.
Ang mga tanod ay pumunta sa mga pinunong-saserdote at mga Fariseo. Sinabi nila sa kanila: Bakit hindi ninyo siya dinala? Sumagot ang mga tanod: Walang taong nakapagsalita tulad ng taong ito. Sumagot nga sa kanila ang mga Fariseo: Nailigaw rin ba kayo? Mayroon ba sa mga pinuno o sa mga Fariseo na sumampalataya sa kaniya? Ang mga taong ito na hindi nakakaalam ng kautusan ay mga isinumpa. Si Nicodemo, na pumunta kay Jesus nang gabi, ay kasama nila. Sinabi niya sa kanila: Hindi ba ang ating kautusan ay hindi humahatol sa isang tao kung hindi muna siya naririnig nito o hindi muna inaalam ang kaniyang ginagawa? Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ba ay taga-Galilea rin? Saliksikin mo at tingnan sapagkat walang propetang nagbuhat sa Galilea. Ang bawat isa ay umuwi sa kani-kaniyang tahanan.
8 Si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Sa pagbubukang-liwayway, siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya. Siya ay umupo at tinuruan sila. Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga Fariseo ang isang babae na Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri. Sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya. Sinabi niya sa kanila: Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya. Siya ay muling yumukod at sumu Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay isa-isang lumabas, simula sa matatanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si Jesus gayundin ang babae na nakatayo sa kalagitnaan. Nang tumindig si Jesus ay wala siyang nakitamaliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo? Sinabi niya: Wala, Ginoo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.
Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng sanlibutan. Siya na sumusunod sa akin ay hindi lalakad kailanman sa kadiliman. Siya ay magkakaroon ng ilaw ng buhay. Sinabi nga ng mga Fariseo sa kaniya: Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo ay hindi totoo. Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko naman ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao. Wala akong hinahatulang sinuman. Ngayong humahatol ako, ang aking hatol ay totoo dahil ako ay hindi nag-iisa. Kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin. Nasusulat din sa inyong kautusan, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. Ako ang nagpapatotoo sa aking sarili at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo patungkol sa akin.
Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan ang iyong Ama? Sumagot si Jesus: Hindi ninyo ako nakikilala, ni ang aking Ama. Kung nakilala ninyo ako ay nakikilala rin ninyo ang aking Ama. Ang mga salitang ito ay sinabi ni Jesus nang siya ay nagtuturo sa templo. Sila ay nasa silid na pinaglalagyan ng mga kaloob. Wal Muling sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan. Sinabi nga ng mga Judio: Magpapakamatay ba siya kaya niya sinabi: Sa aking pupuntahan ay hindi kayo makakapunta? Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba? Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa. Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan. Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalitkung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito. Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya. Habang sinabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya.
Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. Sila ay sumagot sa kaniya: Kami ay lahi ni Abraham at kailanman ay hindi naging alipin ninuman. Papaano mo nasabi na kami ay magiging malaya? Sumagot si Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay magpakailanman. Ang anak ay nananatili magpakailanman. Kung palalayain nga kayo ng anak, tunay na kayo ay magiging malaya. Nalalaman ko na kayo ay lahi ni Abraham ngunit naghahanap kayo ng pagkakataon na ako ay patayin. Ito ay sapagkat ang aking salita ay walang puwang sa inyo. Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama. Ginagawa naman ninyo ang mga bagay na nakita ninyo sa inyong ama.
Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Si Abraham ang aming ama. Sinabi ni Jesus sa kanila: Yamang kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. Ngunit ngayon ay naghahanap kayo ng pagkakataon upang ako ay patayin. Ako ang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hind Sinabi nga nila sa kaniya: Kami ay hindi ipinanganak sa pakikiapid. Kami ay mayroong isang ama, ang Diyos.
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kung ang Diyos ang inyong Ama, ibigin sana ninyo ako sapagkat ako ay nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako narito sa aking sarili kundi sinugo niya ako. Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi ninyo magawang dinggin ang aking salita. Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga masasamang hangarin ng inyong ama ang nais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang pasimula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan. Dahil nagsasabi ako sa inyo ng katotohanan, hindi kayo sumasampalataya sa akin. Sino sa inyo ang susumbat sa akin patungkol sa kasalanan? Kung ako ay nagsasabi ng katotohanan, bakit hindi kayo sumasampalataya sa akin? Siya na nasa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Kaya nga, hindi kayo nakikinig ay sapagkat hindi kayo sa Diyos.
Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Hindi ba tama ang aming sinabi na ikaw ay taga-Samaria at mayroong demonyo? Sumagot si Jesus: Wala akong demonyo. Niluluwalhati ko ang aking Ama at sinisira naman ninyo ang aking kaluwalhatian. Hindi ko hinahanap ang aking kaluwalhatian. May isang naghahanap nito at humahatol. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang si Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Ngayon ay alam na namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay. Sinasabi mo na kung ang sinuman ay tutupad ng iyong salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman. Mas dakila ka pa ba Sumagot si Jesus: Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang lumuluwalhati sa akin. Siya ang sinasabi ninyong inyong Diyos. Hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kapag sinabi kong Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala ka pang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham? Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bago pa si Abraham ay ako na. Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay nagtago. Sa paglabas niya sa templo ay dumaan siya sa kalagitnaan nila sa ganoong paraan.
9 Sa paglalakad ni Jesus ay nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag mula pa sa kaniyang kapanganakan. Itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad: Guro, sino ang nagkasala na ang lalaking ito ay ipanganak na bulag? Siya ba o ang kaniyang mga magu Sumagot si Jesus: Hindi ang lalaking ito o ang kaniyang mga magulang ang nagkasala. Ito ay nangyari upang ang mga gawa ng Diyos ay mahayag sa kaniya. Kinakailangang gawin ko ang mga gawa niya na nagsugo sa akin habang araw pa. Dumarating ang gabi at wala Pagkasabi niya nito ay lumura siya sa lupa. Gumawa siya ng putik mula sa lura. Kaniyang ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pumunta ka sa malaking dakong paliguan ng Siloe at maghugas ka. Ang ibig sabihin ng salitang Siloe Nakita ng mga kapitbahay at ng ibang mga tao ang lalaki na dating bulag. Kaya nga, sinabi nila: Hindi ba ito iyong nakaupo at namamalimos? Sinabi ng iba: Siya nga iyon.
Ang sabi naman ng iba: Siya ay kamukha niya. Sinabi niya: Ako nga iyon. Sinabi nga nila sa kaniya: Papaano namulat ang iyong mga mata? Sumagot siya at sinabi: Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng luwad at ipinahid iyon sa aking mga mata. Sinabi niya sa akin: Pumunta ka sa dakong paliguan ng Siloe at maghugas. Ako ay pumunta at naghugas at nakakita. Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan siya? Sinabi niya: Hindi ko alam.
Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag. Araw ng Sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng luwad at iminulat ang mga mata ng lalaking bulag. Ang mga Fariseo rin naman ay muling nagtanong sa kaniya kung papaano siya nakakita. Sinabi niya sa kanil Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo: Hindi galing sa Diyos ang lalaking ito dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat. Sinabi naman ng iba: Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan? Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila. Muli nilang sinabi sa lalaking dating bulag: Sapagkat iminulat niya ang iyong mga mata, ano ang masasabi mo patungkol sa kaniya?
Sinabi ng lalaki: Siya ay isang propeta. Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang patungkol sa lalaki na siya ay dating bulag at nakakita. Hindi sila naniwala hanggang tawagin nila ang mga magulang niya. Tinanong nila sila: Siya ba ang inyong anak na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Papaanong n Ang kaniyang mga magulang ay sumagot sa kanila at nagsabi: Alam namin na siya ang aming anak at siya ay ipinanganak na bulag. Hindi namin alam kung papaanong nakakakita na siya ngayon. Hindi namin alam kung sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya aynasa hustong gulang na kaya tanungin ninyo siya. Makakapagsalita siya patungkol sa kaniyang sarili. Ito ang sinabi ng kaniyang mga magulang dahil natatakot sila sa mga Judio. Ito ay sapagkat napagkaisahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus ang Mesiyas siya ay ititiwalag sa sinagoga. Dahil dito sinabi ng kaniyang mga magulang: Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin ninyo siya. Tinawag nilang muli ang lalaki na dating bulag. Sinabi nila: Ibigay mo ang kaluwalhatian sa Diyos. Alam namin na ang lalaking ito ay isang makasalanan. Sumagot siya at nagsabi: Hindi ko alam kung siya ay makasalanan. Isang bagay ang alam ko, ako ay dating bulag at ngayon ay nakakakita na. Sinabi nilang muli sa kaniya: Ano ang ginawa niya sa iyo? Papaano niya iminulat ang iyong mga mata? Sumagot siya sa kanila: Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan. Bakit ibig ninyong marinig muli? Ibig din ba ninyong maging mga alagad niya? Kaya siya ay kanilang nilait na sinabi: Ikaw ang kaniyang alagad. Kami ay mga alagad ni Moises. Alam namin na ang Diyos ay nagsalita kay Moises. Patungkol sa lalaking ito hindi namin alam kung saan siya nanggaling. Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila: Tunay na ito ay kamangha-manghang bagay. Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunman ay iminulat niya ang aking mga mata. Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga makasalanan. Kung ang sinuman ay suma Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ay ipinanganak na lubos na makasalanan at tuturuan mo pa kami? At siya ay itinaboy nila.
Narinig ni Jesus na siya ay itinaboy nila. Nang matagpuan ni Jesus ang lalaking dati ay bulag sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ay sumasampalataya sa Anak ng Diyos? Sumagot siya at sinabi: Sino siya Panginoon, upang ako ay sumampalataya sa kaniya? Sinabi ni Jesus sa kaniya: Nakita mo na siya at siya ang nakikipag-usap sa iyo. Sinabi niya: Panginoon, sumasampalataya ako. Sinamba niya si Jesus. Sinabi ni Jesus: Ako ay narito sa sanlibutan na ito para sa paghatol. Ito ay upang sila na hindi nakakakita ay makakita. Sila namang nakakakita ay maging mga bulag. Ang mga bagay na ito ay narinig ng mga maka-Fariseo na kasama nila. Kanilang sinabi sa kaniya: Kami ba ay mga bulag din? Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung kayo ay mga bulag ay wala sana kayong pagkakasala. Ngunit ngayon sinasabi ninyo: Nakakakita kami. Samakatuwid, ang inyong kasalanan ay nananatili sa inyo.
10 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na pumapasok na hindi dumadaan sa pinto ng kulungan ng mga tupa ay magnanakaw at tulisan. Siya ay umaakyat sa ibang daan. Ang pumapasok na dumadaan sa pinto ay ang pastol ng mga tupa. Pinagbubuksan siya Muli ngang sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pinto ng mga tupa. Ang lahat ng naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan. Subalit hindi sila dininig ng mga tupa. Ako ang pinto. Ang sinumang pum Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila a Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman, nakikilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa k Nagkaroon ngang muli ng pagkakabaha-bahagi sa mga Judio dahil sa mga pananalitang ito. Marami sa kanila ang nagsabi: Siya ay may demonyo at nahihibang. Bakit kayo nakikinig sa kaniya? Sinabi ng iba: Hindi ito mga pananalita ng isang inaalihan ng demonyo. May kapangyarihan bang makapagpamulat ng mata ang demonyo?
Naganap sa Jerusalem ang kapistahan ng pagtatalaga. Noon ay taglamig. Si Jesus ay naglalakad sa templo sa portiko ni Solomon. Pinalibutan nga siya ng mga Judio. Sinabi nila sa kaniya: Hanggang kailan mo paghihintayin ang aming kaluluwa? Kung ikaw ang Mesi Sumagot si Jesus sa kanila: Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo sa akin. Hindi kayo sumasampalataya sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa gaya ng sinabi Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin. Sinabi sa kanila ni Jesus: Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan para batuhin ninyo ako? Sumagot ang mga Judio sa kaniya na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawa kundi dahil sa iyong pamumusong. Ginagawa mong Diyos ang sarili mo, ikaw na isang tao. Tinugon sila ni Jesus: Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan: Aking sinabi na kayo ay mga diyos? Tinawag niyang mga diyos ang mga tao, na sa pamamagitan nila ay dumating ang salita ng Diyos. At ang kasulatan ay hindi masisira. Sinasabi ninyo sa kaniya na Siya ay muling pumunta sa ibayo ng Jordan, sa dakong pinagbawtismuhan ni Juan noong una. Siya ay nanatili roon. Marami ang pumunta sa kaniya at sinabi: Totoong si Juan ay hindi gumawa ng tanda. Ang lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan patungkol sa taong ito ay totoo. Marami roon ang sumampalataya kay Jesus.
11 Mayroon isang lalaking maysakit na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay taga-Betania na nayon nina Maria at ng kaniyang kapatid na si Marta. Si Maria ang siyang nagpahid ng pabangong langis sa Panginoon. Pinunasan niya ng kaniyang buhok ang mga paa ng Panginoo Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang karamdamang ito ay hindi para sa layunin ng sa kamatayan kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Sa gayon ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito. Si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazar Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa Judea. Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Guro, ngayon pa lang ay naghahanap na sila ng pagkakataon upang ikaw ay batuhin ng mga Judio. Babalik ka na naman ba roon? Sumagot si Jesus: Hindi ba may labindalawang oras sa maghapon? Ang sinumang naglalakad kung araw ay hindi natitisod dahil nakikita niya ang liwanag sa sanlibutang ito. Ang sinumang naglalakad kung gabi ay natitisod dahil wala ang liwanag sa kaniya. Sinabi niya ang mga bagay na ito. Pagkatapos nito ay sinabi niya sa kanila: Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako upang gisingin ko siya. Sinabi nga ng kaniyang mga alagad: Panginoon, kung siya ay natutulog, gagaling siya. Ang sinabi ni Jesus ay ang patungkol sa kaniyang kamatayan. Ngunit sa palagay nila, ang sinabi ni Jesus ay patungkol sa paghimlay sa pagtulog. Kaya nga, tuwirang sinabi ni Jesus sa kanila: Si Lazaro ay patay na. Ako ay nagagalak alang-alang sa inyo na ako ay wala roon. Ito ay upang kayo ay sumampalataya, gayunman, puntahan natin siya. Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi nga sa kaniyang mga kapwa alagad: Pumunta rin tayo upang mamatay tayong kasama niya.
Pagdating nga ni Jesus ay nalaman niyang si Lazaro ay apat na araw nang nasa libingan. Ang Betania ay malapit sa Jerusalem na may humigit-kumulang na tatlong kilometro ang layo. Marami sa mga Judio ang pumunta sa mga kababaihan na nakapalibot kina Marta a Sinabi nga ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid. Alam ko na kahit ngayon anuman ang hingin mo sa Diyos, ito ay ibibigay sa iyo ng Diyos. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong kapatid ay muling babangon. Sinabi ni Marta sa kaniya: Alam ko na siya ay muling babangon sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan. Nang masabi niya ang mga bagay na ito, siya ay lumakad at tinawag ng palihim ang kaniyang kapatid na si Maria. Sinabi niya sa kaniya: Ang guro ay dumating at ipinatatawag ka. Pagkarinig niya nito ay agad siyang tumindig at pumunta sa kaniya. Si Jesus ay h Dumating nga si Maria sa kinaroroonan ni Jesus. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito. Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang aking kapatid. Nakita ni Jesus na siya at ang mga Judiong sumama sa kaniya ay tumatangis. Siya ay namighati sa espiritu at naguluhan. Sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, halikayo at tingnan ninyo. Si Jesus ay tumangis. Sinabi nga ng mga Judio: Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal. Sinabi ng ilan sa kanila: Ang taong ito ang nagmulat ng mga mata ng bulag. Wala ba siyang magagawa upang hindi mamatay ang taong ito?
Si Jesus, na muling namighati ang kalooban, ay pumunta nga sa libingan. Ang libingan ay isang yungib na natatakpan ng bato. Sinabi ni Jesus: Alisin ninyo ang bato. Si Marta na kapatid ng namatay ay nagsabi sa kaniya: Panginoon, sa oras na ito ay mabaho na siya sapagkat apat na araw na siyang patay. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos? Inalis nga nila ang bato sa dakong pinaglagyan nila ng patay. Tumingala si Jesus at nagsabi: Ama, pinapasalamatan kita na ako ay dininig mo. Alam ko na ako ay lagi mong dinirinig. Sinabi ko ito alang-alang sa mga taong nakatayo sa paligid. Ito ay upang si Nang masabi na niya ito, sumigaw siya ng may malakas na tinig: Lazaro, lumabas ka! Lumabas ang patay. Ang kaniyang mga kamay at mga paa ay natatalian ng telang panlibing. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi ni Jesus sa kanila: Kalagan ninyo siya at pabayaan siyang yumaon.
Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya. Ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Fariseo. Sinabi nila sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus. Ang mga pinunong- Sinabi nila: Ano ang ating ginagawa? Ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda. Kapag pabayaan lang natin siya, ang lahat ng tao ay sasampalataya sa kaniya. Kung magkagayon, ang mga taga-Roma ay darating at aagawin maging ang ating pook at bansa. Ang isa sa kanila ay si Caifas, ang pinunong-saserdote nang taong iyon. Bilang pinunong-saserdote ay sinabi niya sa kanila: Wala talaga kayong alam. Hindi ninyo pinag-isipan na makakabuti sa atin na mamatay ang isa para sa mga tao. Kung magkagayon, ang bu Hindi niya ito sinabi nang sarili niya. Bilang pinunong-saserdote nang taong iyon, inihayag niyang si Jesus ay mamamatay na para sa bansang iyon. Hindi lamang para sa bansang iyon kundi para rin sa mga anak ng Diyos na nangalat. Ito ay upang sila ay tipun Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang lalawigang malapit sa ilang, sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad. Malapit na ang Paglagpas ng mga Judio. Bago ang Paglagpas, marami ang umahon sa Jerusalem mula sa lalawigan. Ang dahilan ay upang dalisayin ang kanilang mga sarili. Hinanap nga nila si Jesus. Sila ay nag-usap-usap sa kanilang mga sarili habang nakatayo sa templo. Sabi nila: Ano sa palagay ninyo ang dahilan na hindi siya pumunta sa kapistahan? Ang mga pinunong-saserdote maging ang mga Fariseo ay nagbigay ng utos na ang sinumang nakakaalam kung nasaan si Jesus ay ipagbigay alam upang siya ay madakip nila.
12 Anim na araw bago ang Paglagpas, si Jesus ay pumunta sa Betania. Ito ang kinaroonan ni Lazaro na namatay na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Sila ay naghanda roon ng hapunan para sa kaniya. Si Marta ay naglingkod. Ngunit si Lazaro ay isa sa mga nakau Si Judas na taga-Keriot, na anak ni Simon ay isa sa kaniyang mga alagad. Siya ang magkakanulo kay Jesus. Sinabi nga niya: Bakit hindi ipinagbili ang pamahid na ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mga dukha? Ito ay sinabi hindi dahil siya Sinabi nga ni Jesus: Hayaan ninyo si Maria. Inilalaan niya iyon para sa araw ng aking libing. Ito ay sapagkat ang mga dukha ay lagi ninyong kasama ngunit ako ay hindi ninyo makakasamang lagi. Maraming mga Judio ang nakakaalam na siya ay naroon. Sila ay pumunta hindi lamang dahil kay Jesus. Sila ay pumunta upang makita rin si Lazaro na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay. Nagsanggunian ang mga pinunong-saserdote upang patayin din si Lazaro. Ito ay sapagkat maraming mga Judio ang lumayo at sumampalataya kay Jesus dahil sa nangyari kay Lazaro.
Kinabukasan, maraming mga tao ang dumating na nanggaling sa kapistahan. Narinig nila na darating si Jesus sa Jerusalem. Sila ay kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang siya ay salubungin. Sumigaw sila: Hosana! Papuri sa Hari ng Israel na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Sinakyan ni Jesus ang isang batang asno na natagpuan niya. Ayon sa nasusulat: Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion! Narito, ang iyong hari ay dumarating. Siya ay nakasakay sa isang bisirong asno. Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito. Subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay isinulat patungkol sa kaniya. Naalala rin nila na ang mga bagay na ito ay ginawa nila sa kaniya. Kaya nga, nagpatotoo nga ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay. Dahil dito, sumalubong sa kaniya ang maraming tao sapagkat narinig nila na siya ay gumawa ng tandang ito. Sinabi nga ng mga Fariseo sa kanilang sarili: Nakikita ninyo na wala kayong napapala. Narito, sumusunod na sa kaniya ang sanlibutan.
At may ilang mga Griyego na umahon, kasama noong mga pumaroon sa kapistahan, upang sumamba. Sila nga ay lumapit kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea. Hiniling nila sa kaniya na sinasabi: Ginoo, nais naming makita si Jesus. Lumapit si Felipe at sinabi ka Tinugon sila ni Jesus na sinasabi: Dumating na ang oras upang maluwalhati ang Anak ng Tao. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Mananatiling nag-iisa ang butil ng trigo malibang ito ay mahulog sa lupa at mamatay. Kapag ito ay namatay, mamumunga Ngayon ay nababalisa ang aking kaluluwa. Ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako mula sa oras na ito. Subalit ito ang dahilan kung bakit ako narito sa oras na ito. Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Nang magkagayon, may narinig silang tinig mula sa langit na nagsasabi: Niluwalhati ko na ito at muli kong luluwalhatiin. Ang mga tao ngang nakatayo roon at nakarinig nito ay nagsabi: Kumulog! Ang iba naman ay nagsabi: Siya ay kinausap ng isang anghel. Tumugon si Jesus at nagsabi: Ang tinig na ito ay hindi ipinarinig nang dahil sa akin kundi dahil sa inyo. Ngayon na ang paghatol sa sanlibutang ito. Ngayon ang prinsipe ng sanlibutan ito ay palalayasin. Ako, kapag ako ay maitaas na mula sa lupa, ay ilalap Ang mga tao ay tumugon sa kaniya: Narinig namin mula sa kautusan na ang Mesiyas ay mananatili magpakailanman. Papaano mo nasabi: Ang Anak ng Tao ay kinakailangang maitaas? Sino ba itong Anak ng Tao? Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: Sandaling panahon na lamang na makakasama ninyo ang liwanag. Lumakad kayo habang may liwanag pa sa inyo upang hindi kayo abutan ng dilim. Hindi nalalaman ng lumalakad sa kadiliman kung saan siya napupunta. Habang may liwanag pa sa inyo, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga tao ng liwanag. Pagkasabi ni Jesus ng mga bagay na ito ay umalis siya at nagtago mula sa kanila.
Bagamat gumawa si Jesus ng maraming tanda sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya. Ito ay upang matupad ang salita ni propeta Isaias na kaniyang sinabi: Panginoon, sino ang naniwala sa aming pangaral? Kanino ipinahayag ang bisig ng Panginoon? Dahil dito, hindi sila makapaniwala dahil sinabing muli ni Isaias: Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang puso. Ito ay upang hindi sila makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ni makaunawa sa pamamagitan ng kanilang puso, at manumbalik. Kung hindi gayon sila ay pagagalingin ko. Ang bagay na ito ay sinabi ni Isaias nang makita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon at nagsalita patungkol sa kaniya. Gayunman, marami sa mga mataas na pinuno ang sumampalataya kay Jesus. Ngunit dahil sa mga Fariseo hindi nila siya ipinahayag baka sila palayasin sa sinagoga. Ito ay sapagkat higit nilang inibig ang papuring mula sa mga tao kaysa ang papuri ng Diyos. Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin. Ako ay narito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng s Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hinahatulan. Ito ay sapagkat hindi ako narito upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ang sangkatauhan. May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. Ito ay sapagkat hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at bigkasin. Alam ko, na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayunding paraan nagsasalita ako.
13 Bago dumating ang kapistahan ng Paglagpas, alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay sumapit na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutang ito, inibig niya sila hanggang sa wakas. At nang matapos ang hapunan ay inilagay nga ng diyablo sa puso ni Judas na ipagkanulo si Jesus. Si Judas ay taga-Keriot na anak ni Simon. Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik Lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya: Ang aking ginagawa ay hindi mo nababatid sa ngayon, ngunit mauunawaan mo rin ito pagkatapos.
Tumugon si Pedro sa kaniya: Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa. Sumagot si Jesus sa kaniya: Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin. Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi gayundin ang aking mga kamay at ulo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang taong napaliguan na ay ang paa na lang ang kailangang hugasan. Siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malilinis na bagamat hindi lahat. Ito ay sapagkat alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya. Ito ang dahilan kaya niya si Pagkahugas nga niya ng kanilang mga paa at muling makapagsuot ng kaniyang kasuotan, siya ay umupo. Sinabi niya sa kanila: Naunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga. Yamang ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din nga kayong maghugasan ng mga paa ng isa't isa. Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong gawin ang tulad ng ginawa ko sa inyo. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa sa kaniyang panginoon. Ang sinugo ay hindi rin higit na dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya. Kung alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito.
Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang aking mga hinirang. Dapat matupad ang kasulatan: Ang kumakain ng tinapay na kasama ko ang siyang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. Ngayon ay sinasabi ko na sa inyo bago pa ito dumating. Kung mangyayari na ito ay maaaring sasampalataya kayo na ako nga iyon. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang tumatanggap sa sinumang susuguin ko ay tumatanggap sa akin. Ang tumatanggap sa Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin. Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa't isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy niya. Mayroon ngang nakahilig sa piling ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, siya ang iniibig ni Jesus. Si Simon Pedro nga ay humudyat sa kaniya na tanungin si Je Sa paghilig niya sa dibdib ni Jesus, sinabi niya: Panginoon, sino siya? Sumagot si Jesus: Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw. Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon. Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satana Sinabi nga ni Jesus sa kaniya: Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad. Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya. Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inakala ng ilan na ang sinabi sa kaniya ni Jesus ay bumili siya ng mga kakailanganin para sa kapistahan. O kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa mga dukha. Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na.
Kaya nga, pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Yamang ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang sarili. At siya ay agad niyang lulu Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang. Hahanapin ninyo ako. Sinabi ko sa mga Judio: Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan. Ganito rin ang sinasabi ko sa inyo. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa't isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa't isa.
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, saan ka pupunta? Sumagot si Jesus sa kaniya: Sa pupuntahan ko ay hindi ka makakasunod sa ngayon ngunit susunod ka sa akin pagkatapos. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, bakit hindi ako makakasunod sa iyo sa ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan. Sumagot si Jesus sa kaniya: Iaalay mo ba ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Hindi titilaok ang tandang hanggang sa ipagkaila mo ako nang tatlong ulit.
14 Huwag mabalisa ang inyong mga puso. Nanampalataya kayo sa Diyos, manampalataya rin kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo. Kapag ako ay pumaroon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo. Kung saan ako pupunta ay alam ninyo. Alam na ninyo ang daan.
Sinabi sa kaniya ni Tomas: Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta. Paano namin malalaman ang daan? Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at nakita na ninyo siy Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa amin. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama atang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa Ama. Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.
Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos. Hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman. Ang Tagapayong ito ay ang Espiritu ng Katotohanan. Hindi siya matanggap ng sangkatauhan sa Sinabi sa kaniya ni Judas na hindi taga-Keriot: Panginoon, papaanong ipahahayag mo ang iyong sarili sa amin at hindi sa sangkatauhan? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita. Siya ay iibigin ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan na kasama niya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo samantalang kasama ninyo ako. Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa inyo. Kapa Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo: Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin. Sinabi ko na ito sa inyo bago pa ito mangyari. Ito ay upang kung mangyari na ito, kayo ay sumampalataya. Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating. Tunay na wala siyang bahagi sa akin. Sinabi ko ito sa inyo upang malaman ng sangkatauhan na iniibig ko ang Ama. Malalaman nila na kung papaano ako inutusan ng Ama, ganoon ang ginagawa ko. Tumindig kayo at tayo ay aalis na.
15 Ako ang tunay na puno ng ubas. Ang aking Ama ang tagapag-alaga. Ang bawat sanga na nasa akin na hindi namumunga ay inaalis niya. At ang bawat sangang namumunga ay nililinis niya upang lalo pang magbunga ng marami. Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng sali Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman. Malibang ang sinuman ay manatili sa akin, siya ay itatapon tulad ng sanga at it Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig. Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayundin naman, ang inyong kagalakan ay malubos. Ito ang aking utos: Kayo ay mag-ibigan sa isa't isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. Kayo ay aking mga kaibigan kapag ginawa ninyo ang anumang inuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko kayong mga kaibigan sapagkat ang lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaaalam ko sa inyo. Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga ay manatili. At anumang ang inyong hingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa't isa.
Yamang ang sangkatauhan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago kayo. Ngunit kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sangkatauhan ang sariling kaniya. Subalit hindi kayo sa sanlibutan. Hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama. Kayo rin naman ay magpapatotoo sapagkat kayo ay nakasama ko na mula pa sa pasimula.
16 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang hindi kayo matisod. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang siya ay naghahandog ng paglilingkod sa Diyos. Gagawin nila sa inyo ang mga bagay na ito sapagkat hindi nila kilala ang Ama o ako. Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang sa pagdating ng oras, maala-ala ninyo na sinabi ko sa inyo ang mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito sa simula sapagkat ako ay kasama ninyo.
Ngayon ay pupunta ako sa kaniya na nagsugo sa akin. At walang sinuman sa inyo ang nagtatanong sa akin: Saan ka pupunta? Dahil sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng lumbay ang inyong mga puso. Gayunman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Maka Marami pa akong sasabihing mga bagay sa inyo ngunit hindi ninyo ito matatanggap sa ngayon. Gayunman, sa pagdating ng Espiritu ng Katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanan. Ito ay sapagkat hindi siya magsasalita ng patungkol sa kaniyang s Kaunting panahon na lamang at hindi ninyo ako makikita. Pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo ako sapagkat pupunta ako sa Ama.
Ang ilan sa kaniyang mga alagad ay nagtanong sa isa't isa: Ano itong sinasabi niya sa atin? Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita. Pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo ako sapagkat pupunta ako sa Ama. Sinabi nga nila: Ano ito Alam nga ni Jesus na nais nilang magtanong sa kaniya. Sinabi niya sa kanila: Nagtatanong ba kayo sa isa't isa patungkol sa sinabi ko: Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo akong muli. Kat Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng mga talinghaga. Darating ang oras na hindi na ako magsasalita sa inyo sa pamamagitan ng mga talinghaga. Subalit maliwanag kong ipapahayag sa inyo ang patungkol sa Ama. Sa araw na iyon ay hihingi Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Tingnan ninyo. Ngayon ay nagsasalita ka ng maliwanag at hindi sa talinghaga. Ngayon ay natitiyak namin na alam mo ang lahat ng mga bagay. Hindi na kailangan na tanungin ka pa ng sinuman. Sa pamamagitan nito ay suma Sumagot sa kanila si Jesus: Sumasampalataya na ba kayo ngayon? Narito, dumarating na ang oras at dumating na ngayon, na kayo ay maghihiwa-hiwalay at iiwanan ninyo akong mag-isa. Gayunman ako ay hindi nag-iisa sapagkat ang Ama ay kasama ko. Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay mayroon kayong paghihirap. Lakasan ninyo ang inyong loob, napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.
17 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi: Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak. Kung paanong binigyan mo siya ng kapamahalaan sa lahat ng tao, sa gayunding paraan siya ay magbibigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya. Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo. Niluwalhati kita sa lupa. Ginanap ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking gawin. Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan.
Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sangkatauhan. Sila ay iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita. Ngayon ay alam nila na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo. Ito ay sapagkat ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang mga ito. Totoong alam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sangkatauhan kundi sila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo at ang mga sa iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila. Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan mo sila upang sila ay maging isa, kung papaanong tayo ay isa. Nang ako ay kasama nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyong pangalan. Ang mga ibinigay mo sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang napahamak maliban sa kaniya na anak ng kapahamakan upang ang kasulatan ay matupad.
Pupunta ako sa iyo ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sanlibutan upang ang aking kagalakan ay malubos sa kanila. Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita. Sila ay kinapootan ng sangkatauhan dahil sila ay hindi taga-sanlibutan, tulad ko rin na hindi taga-sanlibutan. Hindi ko idinadalangin na kunin mo sila sa sanlibutan kundi ingatan mo sila mula sa kaniya na masama. Sila ay hindi taga-sanlibutan tulad ko na hindi taga-sanlibutan. Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katotohanan. Kung papaanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman sinugo ko sila sa sanlibutan. Para sa kanilang kapakanan pinabanal ko ang aking sarili upang sila ay maging banal din naman sa pamamagitan ng katotohanan.
Hindi lamang sila ang aking mga idinadalangin. Idinadalangin ko rin naman ang mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Idinadalangin ko na sila ay maging isa, Ama, tulad mo na sumasa akin at ako ay sumasa iyo. Idinadalangin ko na silang lahat ay maging isa sa atin, upang ang sangkatauhan ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa tulad natin na isa. Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin upang sila ay maging ganap na isa at upang malaman ng sangkatauhan na isinugo mo ako. At malaman din nila na iniibig mo sila tulad ng pag-ibig mo sa akin.
Ama, nais ko na ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko sa kinaroroonan ko. Ito ay upang mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na iyong ibinigay sa akin. Sapagkat iniibig mo na ako bago pa itinatag ang sanlibutan. Amang matuwid, hindi ka nakilala ng sangkatauhan. Ngunit nakikilala kita at alam ng mga ito na ako ay sinugo mo. Inihayag ko sa kanila ang iyong pangalan at ihahayag pa, upang ang pag-ibig mo, na kung saan ay inibig mo ako, ay mapasakanila at ako ay sumakanila.
18 Pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito ay umalis siya kasama ang kaniyang mga alagad. Sila ay nagtungo sa kabila ng batis ng Kedron na kung saan ay may isang halamanan. Siya at ang kaniyang mga alagad ay pumasok doon. Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang pook na iyon sapagkat si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay madalas na magtipon doon. At dumating si Judas kasama ang batalyon ng mga kawal at mga opisyales mula sa mga pinunong-saserdote at mga Fariseo. Kaya nga, si Jesus na nalalaman ang lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya, ay sumalubong sa kanila. Sinabi niya sa kanila: Sino ang hinahanap ninyo?
Sumagot sila sa kaniya: Si Jesus na taga-Nazaret. Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako nga iyon. Si Judas na nagkanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila. Kaya nga, nang sabihin niya sa kanila: Ako nga iyon, napaurong sila at natumba sa lupa.
Muli nga niya silang tinanong: Sino ang hinahanap ninyo? Sinabi nila: Si Jesus na taga-Nazaret. Sumagot si Jesus: Sinabi ko na sa inyo: Ako nga iyon. Kung ako nga ang inyong hinahanap, pabayaan ninyong umalis ang mga ito. Ito ay upang matupad ang pananalitang kaniyang sinabi: Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ako nawalan ni isa man. Si Simon Pedro nga ay may tabak at binunot niya ito. Tinaga niya ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malcu. Sinabi nga ni Jesus kay Pedro: Isalong mo ang iyong tabak. Hindi ba iinumin ko ang sarong ibinigay sa akin ng Ama?
Hinuli nga si Jesus ng pangkat ng mga kawal, ng kapitan at ng opisyales ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos. Dinala muna nila siya kay Anas sapagkat siya ang biyenang lalaki ni Caifas na pinakapunong-saserdote ng taon ding iyon. Si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga Judio na makakabuting may isang mamatay para sa mga tao.
Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong-saserdote. Siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pinakapunong-saserdote. Si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Ang alagad na kilala ng Ang utusang babae na nagbabantay ng pintuan ay nagsabi nga kay Pedro: Hindi ba ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito? Sinabi niya: Hindi. Ang mga alipin at mga tanod ng templo ay nakatayo roon. Sila ay nagpabaga ng uling sapagkat malamig doon at nagpapainit ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay nakatayong kasama nila at nagpapainit ng kaniyang sarili.
Ang pinakapunong-saserdote ay nagtanong kay Jesus patungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang turo. Sumagot si Jesus sa kaniya: Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay laging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabing anuman sa lihim. Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kun Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, isa sa opisyales ng templo na nakatayo sa tabi, ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya: Sumasagot ka ba nang ganyan sa pinakapunong-saserdote? Sumagot sa kaniya si Jesus: Kung ako ay nagsalita ng masama, magbigay saksi ka patungkol sa masama. Kung mabuti ang aking sinasabi, bakit mo ako hinampas? Si Jesus ay nakagapos na ipinadala ni Anas kay Caifas na pinakapunong-saserdote.
Si Simon Pedro ay nakatayo at siya ay nagpapainit ng kaniyang sarili. Sinabi nga nila sa kaniya: Hindi ba isa ka rin sa kaniyang mga alagad? Siya ay nagkaila at sinabi: Hindi. Ang isa sa mga alipin ng pinakapunong-saserdote ay kamag-anak ng tinanggalan ni Pedro ng tainga. Siya ay nagsabi: Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan? Muling nagkaila si Pedro at kaagad ay tumilaok ang isang tandang.
Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa hukuman. Maaga pa noon. At sila ay hindi pumasok sa hukuman upang hindi sila madungisan at upang sila ay makakain sa Paglagpas. Kaya nga, lumabas si Pilato at sinabi sa kanila: Anong paratang ang dala ni Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Kung hindi siya gumagawa ng masama, hindi namin siya ibibigay sa iyo.
Sinabi nga ni Pilato sa kanila: Kunin ninyo siya at hatulan ninyo siya ayon sa inyong kautusan. Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala kaming karapatang pumatay ng sinumang tao. Ito ay nangyari upang matupad ang sinabi ni Jesus. Ang salita na kaniyang sinabi ay nagpapahayag ng uri nang kamatayan na kaniyang ikamamatay. Pumasok ngang muli si Pilato sa hukuman at tinawag si Jesus. Sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio? Sumagot sa kaniya si Jesus: Ito ba ay sinasabi mo mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo patungkol sa akin? Sumagot si Pilato: Ako ba ay isang Judio? Ibinigay ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga pinunong-saserdote. Ano ba ang nagawa mo? Sumagot si Jesus: Ang aking paghahari ay hindi sa sanlibutang ito. Kung ang aking paghahari ay sa sanlibutang ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Ngunit sa ngayon ang aking paghahari ay hindi mula rito.
Kaya nga, sinabi ni Pilato sa kaniya: Kung gayon, ikaw ba ay isang hari? Sumagot si Jesus: Tama ang iyong sinabi sapagkat ako ay isang hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak. At sa kadahilanang ito ako ay naparito sa sanlibutan: Upang magpatotoo ako sa katotohanan. Ang bawat isa na nasa katotohanan ay dumirinig ng ak Sinabi ni Pilato sa kaniya: Ano ang katotohanan? Pagkasabi niya nito ay muli siyang pumunta sa mga Judio. Sinabi niya sa kanila: Wala akong makitang kasalanan sa kaniya. Ngunit kayo ay may isang kaugalian na palayain ko sa inyo ang isa sa araw ng Paglagpa Lahat nga sila ay muling sumigaw na sinasabi: Hindi ang taong ito kundi si Barabas. Subalit si Barabas ay isang tulisan.
19 Nang magkagayon, kinuha ni Pilato si Jesus at kaniyang hinagupit. Ang mga kawal ay nagsalapid ng isang koronang tinik. Inilagay nila ito sa kaniyang ulo at sinuotan nila siya ng balabal na kulay ube. Sinabi nila: Pagbati sa Hari ng mga Judio. At pinagsasa Si Pilato nga ay muling lumabas at sinabi sa kanila: Narito, inilabas ko siya sa inyo. Ito ay upang inyong malaman na wala akong makitang anumang kasalanan sa kaniya. Lumabas nga si Jesus na suot ang koronang tinik at ang balabal na kulay ube. Sinabi ni Pilato sa kanila: Tingnan ninyo ang taong ito.
Nang makita nga siya ng mga pinunong-saserdote at ng opisyales ng templo, sila ay sumigaw na sinasabi: Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus. Sinabi ni Pilato sa kanila: Dalhin ninyo siya at ipako siya sa krus. Ito ay sapagkat wala akong makitang kasalanan sa kaniya. Sumagot sa kaniya ang mga Judio: Kami ay may kautusan. Ayon sa aming kautusan, dapat siyang mamatay sapagkat ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos. Nang marinig ni Pilato ang pananalitang iyon, lalo siyang natakot. Siya ay muling pumunta sa hukuman at sinabi kay Jesus: Saan ka ba nagmula? Hindi sumagot si Jesus sa kaniya. Sinabi nga ni Pilato sa kaniya: Hindi ka ba sasagot sa akin? Hindi mo ba alam n Sumagot si Jesus: Hindi ka magkakaroon ng anumang kapamahalaan laban sa akin malibang ibigay ito sa iyo mula sa itaas. Dahil dito ang nagbigay sa akin sa iyo ay higit ang kasalanan. Mula noon tinangka ni Pilato na palayain siya. Ang mga Judio ay sumigaw na sinasabi: Kung palayain mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Cesar. Kung ginagawang hari ng sinuman ang kaniyang sarili siya ay nagsasalita laban kay Cesar. Nang marinig nga ni Pilato ang pananalitang iyon ay dinala niya si Jesus palabas. Siya ay umupo sa luklukan ng paghatol sa dakong tinatawag na Pabimento. Sa Hebreo, ito ay Gabata. Noon ay paghahanda ng Paglagpas. Nang mag-iikaanim na ang oras, sinabi ni Pilato sa mga Judio: Tingnan ninyo ang inyong hari. Sila ay sumigaw: Alisin siya, Alisin siya! Ipako siya sa krus! Sinabi ni Pilato sa kanila: Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari? Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: Wala kaming hari maliban kay Cesar. Kaya nga, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.
Lumabas siya habang pasan niya ang kaniyang krus. Pumunta siya sa dakong tinatawag na Pook ng Bungo. Ito ay tinatawag sa wikang Hebreo na Golgotha. Doon nila siya ipinako sa krus. Dalawa ang kasama niya, isa sa bawat panig at napapagitna si Jesus. At si Pilato ay sumulat ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ganito ang nakasulat: SI JESUS NA TAGA-NAZARETH, ANG HARI NG MGA JUDIO. Ang pamagat na ito ay nabasa ng maraming mga Judio. Ito ay sapagkat ang pook na pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa l Sumagot si Pilato: Ang naisulat ko na ay naisulat ko na. Kaya nga, nang maipako na siya sa krus ng mga kawal, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan. Hinati nila ito sa apat na bahagi. Isang bahagi sa bawat kawal at gayundin ang kaniyang damit. Ngunit ang balabal ay walang tahi. Ito ay hinabing buo mula sa itaas pababa.
Sinabi nga nila sa isa't isa: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo kung mapapasa kanino ito. Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi: Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpalabunutan para sa aking balabal. Ginawa nga ng mga kawal ang mga bagay na ito. Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Ginang, narito ang iyong anak. Pagkatapos noon, sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
Pagkatapos nito, si Jesus na nakakaalam na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang kasulatan. Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng maasim na alak. Binasa nilang mabuti ng maasim na Noon ay araw ng Paghahanda. Ang araw ng Sabat na iyon ay dakila. Ang mga katawan ay hindi dapat manatili sa krus sa araw ng Sabat. Kaya nga, ang mga Judio ay humiling kay Pilato na kanilang baliin ang mga binti ng mga ipinako sa krus upang sila ay maalis. Dumating nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng una. Ganoon din ang ginawa sa isa na kasama niyang ipinako. Ngunit pagpunta nila kay Jesus, nakita nilang siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti. Subalit isa sa mga kawal na may sibat ang tumusok sa tagiliran ni Jesus. Ang dugo at tubig ay kaagad lumabas. Siya na nakakita nito ay nagpatotoo at ang kaniyang patotoo ay tunay. Alam niyang nagsasabi siya ng katotohanan upang kayo ay sumampalataya. Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang kasulatan: Isa mang buto niya ay hindi mababali. Sinasabi sa isa pang kasulatan: Titingnan nila siya na kanilang tinusok.
Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay humiling kay Pilato na makuha niya ang katawan ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus bagamat palihim lamang dahil sa takot sa mga Judio. Pinahintulutan siya ni Pilato, kaya siya ay pumunta roon at kinuha ang katawan ni Jesus. Pumunta rin doon si Nicodemo. Siya iyong noong una ay pumunta kay Jesus nang gabi. Siya ay may dalang pinaghalong mira at aloe, na halos isang daang libra ang timbang. Kinuha nga nila ang katawan ni Jesus. Binalot nila ito ng telang lino kasama ang mga pabango. Ito ay ayon sa kaugalian ng paghahanda ng mga Judio sa paglilibing. Sa pook na pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan. Sa halamanang iyon ay may isang bagong libingan na hindi pa napaglilibingan. Doon nila inilagay si Jesus sapagkat noon ay araw ng Paghahanda ng mga Judio at malapit doon ang libingan.
20 Sa unang araw ng sanlinggo, maagang pumunta sa libingan si Maria na taga-Magdala. Madilim pa noon. Nakita niya na ang bato ay naalis sa libingan. Siya ay tumakbo at pumunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na inibig ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: Kinu Lumabas nga si Pedro at ang isang alagad na iyon at pumunta sa libingan. Magkasamang tumakbo ang dalawa. Ang nasabing isang alagad ay tumakbo nang mabilis kaysa kay Pedro at naunang dumating sa libingan. Nang siya ay yumuko, nakita niya ang mga kayong lino na nakalapag. Gayunman ay hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at ito ay pumasok sa loob ng libingan. Nakita niyang nakalapag doon ang mga telang lino. Nakita rin niya ang panyong inilagay sa ulo ni Jesus na hindi kasamang nakalapag ng telang lino. Ito ay hiwalay na nakatiklop sa isang dako. Pumasok din naman ang isang alagad na iyon na naunang dumating sa libingan. Nakita niya at siya ay sumampalataya. Ito ay sapagkat hindi pa nila alam noon ang kasulatan, na siya ay dapat bumangon mula sa mga patay.
Ang mga alagad nga ay muling umalis pauwi sa kani-kanilang tahanan. Ngunit si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis. Sa kaniyang pagtangis, siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan. Nakita niyang nakaupo ang dalawang anghel na nakaput Sinabi nila sa kaniya: Babae, bakit ka tumatangis? Sinabi niya sa kanila: Kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay. Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo. Hindi niya alam na iyon ay si Jesus. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Babae, bakit ka tumatangis? Sino ang hinahanap mo? Inakala niyang siya ang tagapag-alaga ng halamanan. Kaya sinabi niya sa kaniya: Ginoo, kung kinuha mo siya rito, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay. Kukunin ko siya. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Maria. Humarap siya at sinabi sa kaniya: Raboni! Ang ibig sabihin nito ay guro. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na ako ay papaitaas sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos. Si Maria na taga-Magdala ay pumunta sa mga alagad. Sinabi niya sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At ang mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa kaniya.
Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio at dumating si Jesus at tumayo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkasabi n Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako isinugo ng Ama, gayundin, isinusugo ko kayo. Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila. Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinatatawad.
Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus. Sinabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon. Sinabi niya sa kanila: Malibang makita ko ang tanda ng mga pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang aking mga daliri roon, at maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, kailanman ay hindi ako maniniwala. Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. At sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilag Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya. Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
21 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakitang muli si Jesus sa kaniyang mga alagad sa lawa ng Tiberias. Ganito siya nagpakita: Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at da Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Mga anak, may pagkain ba kayo? Sumagot sila sa kaniya: Wala. At sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makakasumpong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda. Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit dahil siya ay nakahubad. At tumalon siya sa lawa. Ang ibang mga alagad ay Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli. Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. Isang daan at limampu't tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda, hindi napunit ang lambat. Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo atmag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang naglakas ng loob na magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon. Kaya nga, lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. Ito na ang ikatlong ulit na nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.
Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa. Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba sa akin? Nagdalamhati si Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: May paggiliw ka ba sa akin? Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo na may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Noong ikaw ay bata pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili. Lumalakad ka kung saan mo ibig. Kapag matanda ka na, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba a Ngunit lumingon si Pedro at nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan na nagsabi: Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo? Nang makita siya ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin. Kaya nga, ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus s Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo. At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin. Siya nawa.