Yaong buhat sa pasimula, na aming narinig, na aming nakita ng aming mga mata, na aming namasdan, at nahawakan ng aming mga kamay, tungkol sa Salita ng buhay. Sapagka't ang buhay ay nahayag, at nakita namin ito, at nagpapatotoo, at ibinabalita sa inyo ang walang-hanggang buhay na iyon, na kasama ang Ama, at nahayag sa atin. Yaong aming nakita at narinig ay ibinabalita namin sa inyo, upang kayo rin nawa ay magkaroon ng pakikibahagi sa amin: at tunay na ang ating pakikibahagi ay sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo. At ang mga bagay na ito ay isinusulat namin sa inyo, upang ang inyong kagalakan nawa ay malubos. Ito sa gayon ay ang pasabi na aming narinig sa kaniya, at ipinahahayag sa inyo, na ang Diyos ay liwanag, at sa kaniya ay walang kadiliman sa anumang paraan. Kung sinasabi natin na tayo ay may pakikibahagi sa kaniya, at lumalakad sa kadiliman, ay nagsisinungaling tayo, at hindi ginagawa ang katotohanan. Datapuwa't kung tayo ay lumalakad sa liwanag, gaya ng siya ay nasa liwanag, ay may pakikibahagi tayo sa isa't isa, at ang dugo ni Jesu-Cristo na kaniyang Anak ay nililinis tayo mula sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi natin na tayo ay walang kasalanan, ay nililinlang natin ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay matapat at matuwid siya upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at upang linisin tayo mula sa lahat ng di-pagkamatuwid. Kung sinasabi natin na tayo ay hindi nagkasala, ay ginagawa natin siyang isang sinungaling, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
/2 Maliliit kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo ay huwag magkasala; At kung ang sinumang tao ay magkasala, ay may isa tayong tagapagtanggol sa Ama, si Jesu-Cristo na matuwid. At siya ay ang pamayapa para sa ating mga kasalanan: at hindi para sa mga atin lamang, kundi para rin sa mga kasalanan ng buong sanlibutan. At sa ganito ay nalalaman natin na nakikilala natin siya, kung tinutupad natin ang kaniyang mga kautusan. Siya na nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tinutupad ang kaniyang mga kautusan, ay isang sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya. Datapuwa't sinuman ang tumutupad sa kaniyang salita, sa kaniya ay katotohanang ang pag-ibig ng Diyos ay papasakdal: sa ganito ay nalalaman natin na tayo ay nasa kaniya. Siya na nagsasabing siya ay nananatili sa kaniya ay nararapat din mismo na gayon siyang lumakad, maging gaya ng siya ay lumakad. Mga kapatid, ako ay hindi sumusulat ng bagong kautusan sa inyo, kundi isang lumang kautusan na inyong taglay buhat sa pasimula; Ang lumang kautusan ay ang salita na inyong narinig buhat sa pasimula. Muli, isang bagong kautusan ang isinusulat ko sa inyo, na bagay na totoo sa kaniya at sa inyo: dahil ang kadiliman ay lumipas na, at ang totoong liwanag ngayon ay nagliliwanag. Siya na nagsasabing siya ay nasa liwanag, at kinamumuhian ang kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman maging hanggang ngayon. Siya na umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang pagkakataon ng kapapatiran sa kaniya. Datapuwa't siya na namumuhi sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi nalalaman kung saan siya tumutungo, dahil nabulag ng kadilimang iyon ang kaniyang mga mata. Ako ay sumulat sa inyo, maliliit na mga anak, dahil ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na sa inyo alang-alang sa kaniyang pangalan. Ako ay sumulat sa inyo, mga ama, dahil nakilala ninyo siya na buhat pa sa pasimula; Ako ay sumulat sa inyo, mga binata, dahil napagtagumpayan ninyo ang masamang isa; Ako ay sumulat sa inyo, maliliit na mga anak, dahil nakilala ninyo ang Ama. Ako ay nakapagsulat sa inyo, mga ama, dahil nakilala ninyo siya na buhat pa sa pasimula; Ako ay nakapagsulat sa inyo, mga binata, dahil kayo ay malalakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at napagtagumpayan ninyo ang masamang isa. Huwag ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan; Kung ang sinumang tao ang umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka't ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pita ng laman, at ang pita ng mga mata, at ang kapalaluan ng buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanlibutan. At ang sanlibutan ay lumilipas, at ang pita nito: datapuwa't siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailan man. Maliliit na mga anak, ito ay ang huling panahon: at gaya ng inyong narinig na ang anticristo ay darating, maging ngayon ay may maraming mga anticristo; kung kaya nalalaman natin na ito ay ang huling panahon. Sila ay lumabas mula sa atin, datapuwa't sila ay hindi sa atin; sapagka't kung sila ay naging sa atin, sila sana ay walang alinlangang nagpatuloy sa atin: datapuwa't sila ay lumabas, upang sila nawa ay magiging hayag na sila ay hindi lahat sa atin. Datapuwa't kayo ay may pahid mula sa Banal na Isa, at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay. Ako ay hindi nakasulat sa inyo dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil nalalaman ninyo ito, at dahil walang kasinungalingang mula sa katotohanan. Sino ba ang isang sinungaling kundi siya na ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo? Siya ay anticristo, na ikinakaila ang Ama at ang Anak. Sinuman ang nagkakaila sa Anak, ay hindi rin siya kinaroroonan ng Ama: datapuwa't siya na kumikilala sa Anak ay kinaroroonan din ng Ama. Hayaang iyon samakatuwid ay manatili sa inyo, na narinig ninyo buhat sa pasimula; Kung yaong inyong narinig buhat sa pasimula ay mananatili sa inyo, kayo rin ay magpapatuloy sa Anak, at sa Ama. At ito ay ang pangako na kaniyang ipinangako sa atin, maging ang walang-hanggang buhay. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo patungkol sa kanila na nanlilinlang sa inyo. Datapuwa't ang pagpapahid na tinanggap ninyo sa kaniya ay nananatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan na turuan kayo ng sinumang tao: kundi gaya ng gayon ding pagpapahid ay nagtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at ito ay katotohanan, at hindi kasinungalingan, at maging gaya ng pagkaturo nito sa inyo, ay manantili kayo sa kaniya. At ngayon, maliliit na mga anak, manatili sa kaniya; upang, kapag siya ay magpakita, ay magkaroon nawa tayo ng pananalig, at hindi mapapahiya sa harap niya sa kaniyang pagdating. Kung nalalaman ninyo na siya ay matuwid, ay nalalaman ninyo na ang bawa't isa na gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak sa kaniya.
/3 Masdan, kung anong uri ng pag-ibig ang ibinigay ng Ama sa atin, upang tayo ay dapat tawaging mga lalaking anak ng Diyos: samakatuwid hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, dahil hindi siya nito nakilala. Mga iniibig, ngayong tayo ay mga lalaking anak ng Diyos, at hindi pa ito nahahayag kung magiging ano tayo: datapuwa't nalalaman natin na, kapag siya ay magpakita, ay magiging katulad niya tayo; sapagka't makikita natin siya gaya ng siya nga. At ang bawa't tao na taglay ang pagasang ito sa kaniya ay dinadalisay ang kaniyang sarili, maging gaya ng siya ay dalisay. Sinuman ang gumagawa ng kasalanan ay nilalabag din ang batas: sapagka't ang kasalanan ay ang paglabag sa batas. At nalalaman ninyo na siya ay nahayag upang alisin ang ating mga kasalanan; at sa kaniya ay walang kasalanan. Sinuman ang nananatili sa kaniya ay hindi nagkakasala: sinuman ang nagkakasala ay hindi pa nakakakita sa kaniya, ni nakakakilala sa kaniya. Maliliit na mga anak, hayaang walang taong manlilinlang sa inyo: siya na gumagawa ng katuwiran ay matuwid, maging gaya ng siya ay matuwid. Siya na gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagka't ang diyablo ay nagkakasala buhat sa pasimula; Sa ganitong layunin ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kaniya nawang mawasak ang mga gawa ng diyablo. Sinuman ang ipinanganak ng Diyos ay hindi gumagawa ng kasalanan; sapagka't ang kaniyang binhi ay nananatili sa kaniya: at siya ay hindi maaaring magkasala, sapagka't siya ay ipinanganak ny Diyos. Sa ganito ang mga anak ng Diyos ay nahahayag, at ang mga anak ng diyablo: sinuman ang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, ni siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. Sapagka't ito ay ang pasabi na inyong narinig buhat sa pasimula, na ating dapat ibigin ang isa't isa. Hindi gaya ni Cain, na galing sa masamang isang iyon, at pinatay ang kaniyang kapatid na lalaki; At bakit ba pinatay niya siya? Dahil ang kaniyang sariling mga gawa ay masasama, at ang sa kaniyang kapatid na lalaki ay matuwid. Huwag mamangha, aking mga kapatid, kung ang sanlibutan ay namumuhi sa inyo. Nalalaman natin na tayo ay nakalipat na mula sa kamatayan tungo sa buhay, dahil iniibig natin ang mga kapatid; Siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa kamatayan. Sinuman ang namumuhi sa kaniyang kapatid ay isang mamamatay-tao: at nalalaman ninyo na walang mamamatay-tao ang may walang-hanggang buhay na nananatili sa kaniya. Sa ganito natin mahihiwatigan ang pag-ibig ng Diyos, dahil inialay niya ang kaniyang buhay para sa atin: at tayo ay nararapat na mag-alay ng ating mga buhay para sa mga kapatid. Datapuwa't sinuman ang nagtataglay ng mga yaman ng sanlibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na may pangangailangan, at ipinagkakait ang kaniyang kaloob-looban ng kaawaan mula sa kaniya, paano ba nananahan ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya?. Maliliit kong mga anak, hayaang tayo ay huwag umibig sa salita, ni sa dila; kundi sa gawa at sa katotohanan. At sa ganito natin nalalaman na tayo ay sa katotohanan, at makapapanatag sa ating mga puso sa harap niya. Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ay mas dakila ang Diyos kaysa sa ating puso, at nalalaman ang lahat ng mga bagay. Mga iniibig, kung hindi tayo hinahatulan na ating puso, ay sa gayon may pananalig tayo tungo sa Diyos. At anuman ang ating hingin, ay tatanggapin natin sa kaniya, dahil tinutupad natin ang kaniyang mga kautusan, at ginagawa yaong mga bagay na nakalulugod sa kaniyang paningin. At ito ang kaniyang kautusan, Na tayo ay dapat sumampalataya sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesu-Cristo, at ibigin ang isa't isa, gaya ng siya ay nagbigay sa atin ng kautusan. Ay siya na tumutupad sa kaniyang mga kautusan ay nananahan sa kaniya, at siya sa kaniya; At sa ganito ay ating nalalaman na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ipinagkaloob sa atin.
/4 Mga iniibig, huwag paniwalaan ang bawa't espiritu, kundi subukin ang mga espiritu kung sila ay sa Diyos: dahil maraming bulaang mga propeta ang nagsilabas sa sanlibutan. Sa ganito ay malalaman ninyo ang Espiritu ng Diyos: Ang bawa't espiritu na nagpapahayag na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman ay sa Diyos. At ang bawa't espiritu na hindi nagpapahayag na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman ay hindi sa Diyos: at ito iyong espiritu ng anticristo, na inyong narinig na ito ay dapat dumating; at kahit ngayon ito ay narito na sa sanlibutan. Kayo ay sa Diyos, maliliit na mga anak, at napagtagumpayan ninyo sila: dahil mas dakila siya na nasa sa inyo, kaysa sa kaniya na nasa sanlibutan. Sila ay sa sanlibutan: samakatuwid nagsasalita sila tungkol sa sanlibutan, at pinakikinggan sila ng sanlibutan. Tayo ay sa Diyos: siya na nakakikilala ng Diyos ay pinakikinggan tayo; siya na hindi sa Diyos ay hindi tayo pinakikinggan; Sa ganito ay nalalaman natin ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian. Mga iniibig, hayaan nating ibigin ang isa't isa: sapagka't ang pag-ibig ay sa Diyos; at ang bawa't isa na umiibig ay ipinanganak ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Siya na hindi umiibig ay hindi nakikilala ang Diyos; sapagka't ang Diyos ay pag-ibig. Sa ganito ay nahayag ang pag-ibig ng Diyos tungo sa atin, dahil isinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak sa sanlibutan, upang tayo nawa ay mabuhay sa pamamagitan niya. Narito ang pag-ibig, hindi sa iniibig natin ang Diyos, kundi sa inibig niya tayo, at isinugo ang kaniyang Anak upang maging pamayapa para sa ating mga kasalanan. Mga iniibig, kung gayong inibig tayo ng Diyos, ay nararapat din na ibigin natin ang isa'y isa. Walang sinumang tao ang nakakita sa Diyos sa anumang panahon; Kung iniibig natin ang isa't isa, ay nananahan ang Diyos sa atin, at ang kaniyang pag-ibig ay napapasakdal sa atin. Sa ganito ay nalalaman natin na tayo ay nananahan sa kaniya, at siya sa atin, dahil ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang Espiritu. At nakita at pinatotohanan namin na isinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan. Sinuman ang magpapahayag na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ay nananahan ang Diyos sa kaniya, at siya sa Diyos. At nakilala natin at nasampalatayanan ang pag-ibig na taglay ng Diyos sa atin; Ang Diyos ay pag-ibig; at siya na nananahan sa pag-ibig ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos sa kaniya. Sa ganito ang ating pag-ibig ay nagawang sakdal, na tayo nawa ay magkaroon ng kapangahasan sa araw ng paghatol; dahil gaya ng kung ano siya, ay gayon tayo sa sanlibutang ito. Walang pagkatakot sa pag-ibig; kundi ang lubos na pag-ibig ay nagpapalayas ng takot: dahil ang takot ay may parusa; Siya na natatakot ay hindi ginawang sakdal sa pag-ibig. Iniibig natin siya, dahil siya ang unang umibig sa atin. Kung ang sinasabi ng isang tao, Iniibig ko ang Diyos, at kinamumuhian ang kaniyang kapatid, ay isa siyang sinungaling: sapagka't siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakikita, ay paano ba niyang iibigin ang Diyos na hindi niya nakikita?. At ang kautusang ito ay taglay natin mula sa kaniya, Na siya na umiibig sa Diyos ay iniibig din ang kaniyang kapatid.
/5 Sinuman ang nananampalataya na si Jesus ay ang Cristo ay ipinanganak ng Diyos: at ang bawa't isa na umiibig sa kaniya na nagsilang ay iniibig din niya yaong isinilang sa kaniya. Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos, kapag iniibig natin ang Diyos, at tinutupad ang kaniyang mga kautusan. Sapagka't ito ay ang pag-ibig ng Diyos, upang tuparin natin ang kaniyang mga kautusan: at hindi mabibigat ang kaniyang mga kautusan. Sapagka't anuman ang ipinanganak ng Diyos ay napagtatagumpayan ang sanlibutan, at ito ay ang tagumpay na napagtatagumpayan ang sanlibutan, samakatuwid ay ang ating pananampalataya. Sino ba siya na napagtatagumpayan ang sanlibutan, kundi siya na sumasampalataya na si Jesus ay ang Anak ng Diyos?. Ito ay siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo, samakatuwid si Jesu-Cristo; hindi sa pamamagitan ng tubig lamang, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo; At ito ay ang Espiritu na nagpapatotoo, dahil ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka't mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritung Banal: at ang tatlong ito ay iisa. At mayroong tatlo na nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, at ang tubig, at ang dugo: at ang tatlong ito ay nagkakaisa sa iisa. Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay mas dakila ang patotoo ng Diyos: sapagka't ito ay ang patotoo ng Diyos na kaniyang napatotohanan tungkol sa kaniyang Anak. Siya na sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay taglay ang patotoo sa kaniyang sarili: siya na hindi sumasampalataya sa Diyos ay nagawa siyang isang sinungaling; dahil siya ay hindi sumamapalataya sa patotoo na ang Diyos ang nagbigay ng kaniyang Anak. At ito ay ang patotoo, na ibinigay ng Diyos sa atin ang walang-hanggang buhay, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. Siya na kinaroroonan ng Anak ay may buhay; at siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay walang buhay. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos; upang inyo nawang malaman na kayo ay may walang-hanggang buhay, at upang kayo nawa ay manampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos. At ito ay ang pananalig na ating taglay sa kaniya, na, kung tayo ay hihingi ng anumang bagay ayon sa kaniyang kalooban, ay pakikinggan niya tayo. At kung nalalaman natin na pinakikinggan niya tayo, anuman ang ating hingin, ay nalalaman natin na taglay natin ang mga pamanhik na ninanais natin mula sa kaniya. Kung nakikita ng sinumang tao ang kaniyang kapatid na nagkakasala ng isang kasalanan na hindi sa kamatayan, siya ay hihingi, at siya ay bibigyan niya ng buhay para sa kanila na hindi nagkakasala tungo sa kamatayan; May isang kasalanan tungo sa kamatayan: hindi ko sinasabi na siya ay dapat manalangin para dito. Ang lahat ng di-pagkamatuwid ay kasalanan: at mayroong isang kasalanan na hindi tungo sa kamatayan. Nalalaman natin na sinuman ang ipinanganak ng Diyos ay hindi nagkakasala; datapuwa't siya na isinilang ng Diyos ay iniingatan ang kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masamang isang iyon. At nalalaman natin na tayo ay sa Diyos, at ang buong sanlibutan ay nakahimlay sa kasamaan. At nalalaman natin na ang Anak ng Diyos ay dumating, at binigyan tayo ng kaunawaan, upang makilala nawa natin siya na totoo, at tayo ay nasa sa kaniya na totoo, maging sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo; Ito ay ang totoong Diyos, at walang-hanggang buhay. Maliliit na mga anak, ingatan ang inyong sarili mula sa mga diyos-diyosan; Amen.