/1 Datapuwa't ipinakikita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig tungo sa atin, sa gayon, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Ngayon bago ang kapistahan ng paglampas, nang malaman ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na upang siya ay dapat lumisan mula sa sanlibutang ito tungo sa Ama, na inibig ang sariling kaniya na mga nasa sanlibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan. At mula kay Jesu-Cristo, na siyang matapat na saksi, at ang unang isinilang mula mga patay, at ang prinsipe ng mga hari ng lupa. Sa kaniya na umibig sa atin, at naghugas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa kaniyang sariling dugo. Walang may higit na dakilang pagibig na tao kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan. Sapagka't gayon inibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinakaloob niya ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay. Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.
/2 At walang pagtatalo na dakila ang misteryo ng pagkamaka-Diyos: ang Diyos ay nahayag sa laman, pinawalangsala sa Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga Gentil, sinampalatayanan sa sanlibutan, tinanggap sa taas sa kaluwalhatian. Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. At ang Salita ay naging laman, at nanahan sa gitna natin, (at namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang gaya ng sa bugtong na isinilang ng Ama,) puno ng biyaya at katotohanan. Ngayon ang lahat ng ito ay nangyari, upang nawa ay matupad itong sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabing, Masdan, isang birhen ang magdadalang-tao, at magsisilang ng isang lalaking anak, at tatawagin nila ang kaniyang pangalan na Emmanuel, na kung ipakahulugan ay, Ang Diyos ay kasama natin. Ako at ang aking Ama ay iisa. Sinabi ni Jesus sa kaniya, Hindi ba ako ay matagal nang panahong kasama ninyo, at gayunman ay hindi mo pa ako nakilala, Felipe? siya na nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama; at paanong sinasabi mo kung gayon, Ipakita sa amin ang Ama? Hindi mo ba sinasampalatayanan na ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salita na aking sinalita sa iyo ay hindi ko sinalita sa aking sarili: kundi ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawa. At sinabi nila sa isa't isa, Hindi ba ang ating puso ay nag-aalab sa loob natin, samantalang siya ay nagsasalitang kasama natin sa daan, at samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
/3 Sinuman ang magpapahayag na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ay nananahan ang Diyos sa kaniya, at siya sa Diyos. Sapagka't sa kaniya ay nananahan ang buong kapunuan ng Pagka-Diyos sa katawan. Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamanga, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Samantalang siya ay nagsasalita pa, masdan, isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila: at masdan ang isang tinig mula sa ulap, na nagsasabing, Ito ay ang aking iniibig na Anak, na sa kaniya ako ay lubhang nalulugod; pakinggan ninyo siya. At sinabi ni Jesus sa kaniya, Siya ay kapuwa mo nakita na, at siya itong nakikipag-usap sa iyo. At sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, Ang Espiritung Banal ay bababa sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataastaasan ang lililim sa iyo: samakatuwid din ang banal na bagay na maisisilang sa iyo ay tatawaging Anak ng Diyos.
/4 At sinasabi niya sa kanila, Kayo ay mula sa ibaba; ako ay mula sa itaas: kayo ay sa sanlibutang ito; ako ay hindi sa sanlibutang ito. Si Jesus ay nagsabi sa kanila, Katotohanang, katatotohanang, sinasabi ko sa inyo, Bago pa si Abraham ay, ako na nga. Ang babae ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na ang Mesias ay darating, na tinatawag na Cristo: kapag siya ay dumating, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay. Si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga. At si Jesus ay nagsabi sa kanila, Ako ang tinapay ng buhay: siya na lumalapit sa akin ay hindi kailanman magugutom; at siya na nananampalataya sa akin ay hindi kailanman mauuhaw. Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Nakita ninyo rin ako, at hindi nanampalataya. Sa gayon ay muling sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. Samantalang ako ay nasa sanlibutan, ay ako ang liwanag ng sanlibutan. Sinabi ni Jesus sa kaniya, Ako ang pagkabuhay na muli, at ang buhay: siya na nananampalataya sa akin, bagama't siya ay patay na, gayunman siya ay mabubuhay. Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon: at kayo ay nagsasabi nang mabuti; sapagka't gayon nga ako. Sinabi ni Jesus sa kaniya, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang taong makalalapi sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
/5 At inutusan niya ang karamihan na maupo sa damuhan, at kinuha ang limang buong tinapay, at ang dalawang isda, at tumingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputol-putol, at ibinigay ang mga buong tinapay sa kaniyang mga disipulo, at ang mga disipulo sa karamihan. At silang lahat ay nakakain, at nabusog: at mula sa mga pira-pirasong naiwan ay nakatipon sila ng labindalawang punong bakol. At sila na nakakain ay halos limang libong mga lalaki, bukod sa mga babae at mga bata. At si Simon sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Guro, kami ay nagpagal nang buong gabi, at walang anumang nahuli: gaunpaman sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat. At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang karamihan ng mga isda: at ang kanilang lambat ay napunit. At, masdan, dalawang bulag na mga tao na nakaupo sa tabi ng daan, nang narinig nila na si Jesus ay dumaan, ay sumigaw, na nagsasabing, Magkaroon ng kahabagan sa amin, O Panginoon, ikaw na anak ni David. At si Jesus ay huminto, at tinawag sila, at nagsabi, Ano ba ang nais ninyo na gagawin ko sa inyo? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na ang aming mga mata ay madilat. Kaya si Jesus ay nagkaroon ng kaawaan sa kanila, at hinipo ang kanilang mga mata: at pagdaka ang kanilang mga mata ay nakatanggap ng paningin, at sila ay sumunod sa kaniya.